Blackthorn Academy - Sentinels: (Filipino Edition)

Arielle Alia


Rated: 4.00 of 5 stars
4.00 ·
[?] · 1 ratings · Published: 02 May 2015

Blackthorn Academy - Sentinels:  (Filipino Edition) by Arielle Alia
Isang kakaibang training school ang Blackthorn Academy dahil ang tanging tinatanggap nilang estudyante rito ay mga batang may sapat na tapang para takasan ang kadiliman sa mundo.

It has seven sentinels na siyang nagsisilbing instructors and protectors ng mga estudyante. This novel tells the adventure, romance and mysteries behind each sentinel.

Book 1- Sentimental Mayhem
Isang aktor si Regiment Morgan. Bukod sa pagiging main cast ng isang popular TV series, nakatakda rin niyang gampanan ang lead role sa isang malaking pelikula na ipapalabas sa buong mundo. One could say, he was on the brink of stardom!
Lingid sa kanya, gumawa ng paraan ang Blackthorn Sentinel na si Cyra Ramiel para makalimutan at mabura nang tuluyan sa alaala niya ang babaeng minahal at pinakasalan niya.

Book 2- Cherished Strife
Sumumpa si Irsa na tanging si Alvaro lamang ang kanyang mamahalin. Na hihintayin niya ang pagbabalik ng binata. Ngunit ang nagbalik ay isang lalaki na nagngangalang Sage. Nakumbinsi siya nito na ito si Alvaro at ang mga naging pagbabago sa mukha nito ay dulot ng plastic surgery.
Nagpakasal sila ni Sage. Pero ganoon na lamang ang gulat niya nang matuklasan niya ang katotohanan. Niloloko lamang pala siya ni Sage at ang kanilang naging pagsasama bilang mag-asawa ay puno ng kasinungalingan

Book 3- Tender Chaos
Mayaman at maganda si Scins. Ngunit nananatili siyang nag-iisa dahil sa pagiging tapat niya sa alaala ng namatay niyang asawa. Sinisikap naman ni Sullivan na kalimutan ang unang babae na minahal niya nang husto ngunit niloko at sinaktan lamang siya.
Sa pagtatagpo ng landas nina Scins at Sullivan, isang very passionate night ang naganap sa pagitan nila at naging obsessed si Scins kay Sullivan.
Ang tanging paraan para makalaya si Sullivan sa babae ay kung mananalo siya sa Blackthorn trial.

Book 4- Sweet Frenzy
Mapagpaniwala si Aisles sa mga panaginip, hula, anting-anting, talisman at kung ano-ano pang mga bagay na hindi maipapaliwanag ng science. Ang tanging pinahahalagahan naman ni Vid ay logic, science and common sense.
Ang tanging hadlang sa maayos nilang pag-iibigan ay ang paulit-ulit na panaginip ni Aisles na nagsasabi na kung magkakaroon sila ng relasyon ni Vid ay mamamatay ang binata

Book 5- Maelstrom Caress
Nang mahalin ni Rai si Grant Rodriguez, hindi siya nagdalawang-isip na ipagtapat dito ang tunay niyang pagkatao bilang ang wanted criminal na Crimson Thief.
Huli na nang matuklasan niyang isang undercover agent pala ang lalaki at nilansi lamang siya para mahuli. Sumumpa siyang pagbabayarin ang lalaki sa ginawa nitong panloloko sa kanya.
Pagkalipas ng ilang taon, natunton ni Rai si Grant. Gamit na nito ang pangalang Adam Garson at isa ito sa tinatawag na sentinels ng Blackthorn Academy.

Book 6- Love's Rampage
Twenty-one years old si Imogen. Ngunit dahil sa isang traumatic event sa buhay niya ay nag-regress ang kanyang isipan sa pagkabata. Ang isip niya ngayon ay may edad na fifteen years old.
Ang fifteen-year-old na Imogen ay inosente at masayahin. But the real twenty-one-year-old Imogen is cold, ruthless and incapable of love. Oras na bumalik ang isipan at mga alaala ni Imogen, anumang pag-ibig niya kay Jian ay maglalaho. Mababalik din siya sa isang mapanganib na assassin.
Sponsored links

Tagged as:

    romance tags



    Reviews

    My review

    Community reviews